YUNG TAGALOG |
![]() So sa mga taga gubat, ako si AprillePauline. Ako ay isang takuri - pandak at mataba. Wala ako sa Pilipinas, pero matatas ako magtagalog. Kung nabobobo ka kung sino talaga ako, basahin mo ITO, te. So kung sa tingin mo blogger ka na niyan, KABOG ka. Barahin kita eh. WAG KA DIN EKSENA, Tumblr ko to. Aprub. |
I sing Filipino. Kay?
GO AWAY.
UKINNAM ULUPONG >________________________________________________<
Okay, nakalagpas ng isang buwan <3 I love him kaya. Duh?
< Nathaniel Triviz-Solorzano 3
That’s all. Thank you.
Coz I am a lady (:
Mahal ko si Nathan. Okay? Hehe. Ang ganda ng intro ng blog ko noh? alatang tungkol nanaman sakanya ito. Haha! Oh well.
Hindi sana ako magb-blog ngayon, pero request niya eh. At anong silbi naman kaya na magdadada ako dito eh hindi niya rin naman maiintindihan ang isusulat ko kasi hindi siya nananagalog. So ang tanga. Hehe.
Anyways, kausap ko siya ngayon habang isinusulat ko itong blog na ito. Nababaliw na siya. Kagagaling niya kasi mag-skate, at pagod na pagod siya. Pinipilit ko siya matulog pero ayaw niya. Sabi niya gusto niya raw akong kausapin kasi daw love niya ako. Hahaha! Awwww. Ngayon, medyo bangag na siya sa antok at kung ano ano ng pinagsasasabi sakin. Sabi niya iidlip saw siya saglet at gisingin ko siya mamayang tanghali. Duh? Gabi kaya ngayon. Haha! Bangag talaga noh? At ngayon yata as in deadbol na siya. Yung T.V. niya nalang ang naririnig ko eh.
So mahal ko si Nathan. Pero nakakapikon din siya minsan. Ewan ko. Bipolar lang yata talaga ako sakanya. Kasi kahit wala siyang ginagawa gusto ko siyang isubsob sa pader at sapukin ng malupet. Yung tipong mapapatumba talaga siya. Yeah. Naaasar ako kapag hindi niya ko tinetext. Kung ano anong iniisip ko kahit alam ko at sigurado naman akong wala talaga siyang ginagwa. Pero alam mo yung minsan gusto mo nalang talaga siyang birahin sa nguso dahil dinadaan niya sa joke yung sinasabi mo. Alam kong hindi maganda yon. Pero ewan ko ba. Coz the again, MAHAL KO SIYA.
Pro alam mo yung feeling na kahit anong katangahan ang gawin niya, pag niyakap ka niya oh kahit hawakan niya malang yung kamay mo, tunaw ka na agad. Ganun ako ka-infatuated sakanya. Kahit nagaargue kami, pag nandyan na siya tapos pinatawa niya na ko tapos sabay kiss, wala na. Your boss is talo. Nagpapatalo ako sakanya kasi ayaw kong sayangin yung baka soon-to-be perfect relationship na baka naghihinatay samin. Bongga diba? LOL. Refer to me as tanga, I won’t care, care bear. Mahal niya DAW ako. At nirerespeto ko yun kahit it sounds tanga. Hehe
Si Nathan lang ang nakakagawa nito. Pinapasaya niya ko. Tanggap nniya ko, at oo inamin ko sakanya lahat. Nirerespeto niya ako at hindi siya utak kantot. At ipinapakita niya sakin na mahal niya ko, in every way na kaya niya. Kahit na minsan ulul siya. Mahal ko naman itong ulupong na ito eh.
Yan makiuso ka. GAW!

HAVE A NICE DAY <3
Ito na siguro ang pinaka-chaka picture ko ever, pero kasama ko si Nathan eh. Kaya wapakels. Ang cute kaya (: <333
Lumaki ka bang kasama mo yung nanay mo? Kung oo, maswerte ka, kasi ako, hindi eh. Wag mong isumbat sakin na “Oh! Anong maswerte, nakakaasar kaya yung nanay ko.” Kung ano mang dahilan mo, manahimik ka. Baka sapakin kita. Maswerte ka parin kasi kahit papano nandun parin yung may bonding time kayo. Maswerte ka parin…Buti ka pa.
Nung mga 7 o 8 years old siguro ako umalis yung mommy ko papuntang U.S. Naaalala ko pa nun naglalaro ako ng lego, nakaupo ako sa may pinto, tapos dinaanan lang ako ni mommy. Hindi manlang nagbabay, o kahit kiss o hug manlang. Naaalala ko nung nandun pa kami sa “kabilang bangir” (sa bahay yun ng mommy ko) nakatira ng daddy ko, merong mga araw na tatawag si mommy tapos bigla nalang magwawala si daddy. Siyempre hindi ko naman alam kung anong nangyayari nun, eh di deadma lang ako. Bata pa kasi sila nung naging anak nila ako eh. Siguro nung nangyaayare yung mga early twenties nila. Hindi ka narin mag-eexpect na sila parin sa huli diba.
Naaalala ko pa nun palipat lipat kami ng bahay ni daddy. Minsan kila Mama (lola ko) kami, minsan naman dun sa compound ng mga kamag-anak ni mommy. Wala naman akong problema pag nandun ako kila Mama kasi parang bunso na rin niya ako, at wala akong kailangan intindihin pag nandun ako. Pero as a child, masama parin sakin ang buhay. Hay nako. Nung mga 12-13 years old siguro ako, narealize ko na may kanya kanyang love affair na pala ang parents ko. Siyempre masakit yun para sakin. Sino bang bata ang may gustong separated ang parents niya. Ang sakit sakin kasi sa isip isip ko hindi manlang nila ako cinonsider.
Meron yung mga time na naaalala ko nag-aaway kami ng daddy ko kasi sinisisi niya ko tungkol sa mga ginawa sakanya ni mommy. Nangyayare yun nung namatay na si Mama. Si Mama lang naman ang kakampi ko, so feeling ko wala ng nagmamahal sakin noon. Si mommy wala din naman magawa. Merong time na galit ako sakanilang dalawa. Merong time na attached ako kay mommy. Minsan kay daddy. Mahirap kasi, yung daddy ko nandun pero parang baliwala kasi hindi niya rin alam yung ginagawa niya sa buhay niya. Mommy ko naman napakalayo niya. So struggle talaga ang punyetang family relationship na yan para sakin. Gusto kong umalis ng Pilipinas noon kasi akala ko wala ng nangyayare sa buhay ko. Akala ko pagdating ko ng California noon, okay na lahat. Mali pala.
Nung pina-process ni mommy yung mga papeles ko papuntang america noon, nagiging close naman kami ni daddy. Siguro nga totoo yung sinasabi nilang malalaman mo lang yung halaga ng taong mahal mo pag mawawala na siya sayo. Alam ko namang mahal ako ng tatay ko, hindi ko sinasabing hindi niya ko pinahalagahan, pero siguro, hindi niya lang alam kung pano. Naging close man kami ni daddy, solid parin yung desisyon ko na aalis ako ng pilipinas, hindi lang naman kasi tungkol sa panilya yun. Future-wise, mas maganda ang future ko sa america, kung iisipin. Pero yun lang ba talaga ang habol ko? Hindi ko alam. Malamang gusto ko rin makita ang nanay ko. DUH.
Pag dating ko dito okay naman. Carry lang lahat. Kasama ko mommy ko, pero kailangan ko din pakisamahan yung asawa niya. Okay naman sa una, pero hindi kami magkasundo n stepdad ko. Mukha man kaming okay, pero may tension talaga sa bahay na kasing kapal ng libag mo sa pwet. Ewan ko. Ayoko lang talaga sa mga taong baboy at tamad. Tsaka ipokrito. Ang sakit sakit sakin na mag-eefort ako maglinis ng bahay para matuwa yung mommy ko pero pag uwi niya isusumbat niya sakin na hindi ako nagsaing, samanalang nakaharap yung asawa niya sa computer maghapon, at wala namang ginagawa kundi manood ng mga walang kwentang video tungkol sa punyetang iPhone niya. Sasabihin pa sakin ni mommy na para sakin yung ginagawa ni tito kesyo sa medical daw, o sa bahay. Matanong ko nga, may iPhone ba ako? Kasi sa napapansin ko puro yun ang inaatupag niya sa computer. Hindi naman ako naka-drugs para mag-hallucinate pero yun ang nakikitako eh. Hindi naman kasi ako tanga para hindi mapansin na tamad talaga ang stepdad ko. Mas matalino naman sakin ang mommy ko. Pero bakit ganun nalang ang bilib niya kay tito. PUTANGINA.
Oo, alam ko sasabihin nila sakin na nirerespeto daw kasi niya si mommy, hindi siya katulad ng tatay ko na parang basahan ang trato ka mommy. OO, HINDI AKO TANGA PARA HINDI MALAMAN YON. Hindi ko rin kinukumpara ang daddy ko sakanya kasi alam ko namang walang kwenta sila pareho, ang sinasabi ko lang, oo tinatrato niyang mabuti yung nanay ko. Pero pano niya ba ako tratuhin? Oo, sabihin mo ng he really does stuff for me. Sinusundo ako sa school, pinapalamon niya ko, etc. Pero pag sinusundo ka sa school, kailangan ba talagang maglakad ka sa kabilang kanto kahit malakas yung ulan para wag lang magsayang ng gas kasi ayaw mong mag-drive ng .000828478374 miles? Tapos pagdating mo sa bahay, bawal ka matulog kasi kailangan mong isinop yung KALAT NIYA. Tapos ikaw pa yung tamad kasi hindi ka DAW tumutulong sa bahay sa lagay na yon. PUTANGINA. Wala. Wala na lahat. Mga punyeta kayo. Ulul.
Lahat ng away namin ni mommy, siya ang punut dulo. Oo, masungit mommy ko, pero natotolerate ko yun. Diba ng ayung mas nakakaintindi ang mag-pasensya. Pero ang sakit sakit ng harap harapan ka ng nilalait ng stepdad mo, nakaharap yung nanay mo, pero wala malnag siya magawa para sayo. Pag nagreklamo ko, ikaw parin ang masama. Nasasaktan ako pag laging sila ang priority ni mommy, lagi akong huli. Ang sakit sakit sakin na pag galit sakin si mommy, si tito lang yung kinakausap niya kahit nandun din ako, at si tito naman talaga yung may kasalanan. Ang sakit sakit na galit sayo yung nanay ko kasi naniniwala siya sa mga pumyatang bullshit na sinasabi saknya ng stepdad mo. Napakaliit na ng tingin ko sa sarili ko.
Naaalala ko nung papunta ako dito iniisip ko psg dating ko okay na lahat. Gano man to kakorny, lagi kong iniisip na pag dating ko, sasabihin sakin ng mommy ko “I love you, anak. Nandito na si mommy, wag ka ng malungkot.” tapos iuuwi niya ko tapos magiging masaya na kami. Kung tutuusin kasama pa dun si tito noon. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan nilang maging masama sakin. Gusto ko lang naman sa tratuhin akong anak ng nanay ko. Yun lang.